Close

ANG OYSTER MUSHROOM

PINAGMULAN

Nabubuhay nang halos tatlong milyong taon, ang mga kabute ay naging paksa na ng maraming mga pag-aaral dahil sa marami nitong mga gamit. Matatapuan sa kamamatay lamang na mga kahoy, ang kabute ay mayroong 2300 na klase na maraming gamit sa pagluluto at medisina. Kabilang sa mga katangian nitong pangmedisina ay pagiging anti-oxidant, at sagana sa mineral at protina. Ang kakaibang lasa rin nito ang dahilan kung bakit katangi-tangi ito sa mundo ng pagluluto. Dagdag pa sa mga katangian nito ay hindi ganoon ma-trabaho ang pag-aalaga nito kaysa sa iba. 

PAGPAPATUBO

Ang pagpapatubo ng kabute bagamat humihingi ng maraming oras at lakas, ay nangangailangan lamang ng kaunti at mga gamit na madaling makuha. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng substrates  o anumang tira mula sa pagtatanim. Ang iba’t ibang substrate ay naging paksa na ng maraming pag-aaral upang malaman kung ano ang pinakamaraming na-ibubunga. Ang pagpapatubo ng kabute ay ginagawa sa loob ng isang kwarto  na may tamang temperatura, at maaaring maging solution sa mga magsasaka natin na walang sariling lupa. Dagdag pa rito ang lumalaking pangangailangan sa mga kabute. Ang pagpapatubo ng kabute ay maaaring maging solusyon sa kinakaharap na mga agrikultural na mga suliranin. 

PAGSUBOK

Kabilang sa mga suliraning pang-agrikultura ang pagkaubos at pagkawala ng mga lupang pangsakahan dahil sa tuluyang modernisasyon sa ating bansa. Kahit ang modernisasyon ay isang malaking banta, ang pag-preserve din ng mga kagubatan ay nakadagdag sa dahilan kung bakit patuloy na dumadami ang bilang ng mga magsasakang walang lupa. Dahil dito, ang sektor ng agrikultura ay isa sa pinakamahirap na sektor ng lipunan. 

Matatag at mapagkakakitahan, ang pagpapatubo ng kabute ay isang magandang desisyon para sa livelihood diversification. Ang livelihood diversification ang pag-aaral, pagsasaliksik, at pag-adapt ng bagong pangkabuhayan na may kinalaman parin sa naunang trabaho o pinagkakakitaan upang makatulong sa pag-angat sa buhay; at ang pagpapatubo ng kabute ay talaga namang sakto para rito. 

SITIO PACTIL

Ang pag-tatanim at pag-aalaga ng mga kabute ay isang trabaho na pangmaliitan lamang. Dahil dito, hindi kinakailangan ng ating mga magsasaka na tumigil sa kanilang pagsasaka habang kumikita mula sa kabute. Dagdag pa rito, ang mga kababaihan ay maaari ring kumita ng pangkaragdagan habang inaasikaso ang kanilang mga gawaing pambahay. Ang pag-aalaga ng kabute ay hindi lamang maganda para sa kanilang kabuhayan ngunit pati narin sa kanilang pagtitiwala sa sarili. 

Sa loob ng limang taon, patuloy na napapatakbo ng Sitio Pactil at ng SBMVGA ang kanilang kabuhayan dahil sa kanilang kasipagan at sa kasiyahan na naidudulot nito. Nakatulong din ang patuloy nilang pagsama sa iba’t ibang mga seminar at training. Ang kabute ay talaga namang naging isang importanteng bahagi na ng kanilang komunidad. Sa tulong na dulot nito sa pang-pinansiyal at sa pang-araw araw na pagkain ay naging daan rin ito upang maging matatag ang relasyon ng mga tao sa komunidad. Malaki rin ang naiitutulong nito sa paglago ng ekonomiya. Ang bawat fruiting bag ay nagtatagal nang 8-10 na buwan at namumunga araw-araw. Dahil sa hindi mabilang na ani mula sa mga kabute, nakatulong ito upang maging matatag at tuloy-tuloy ang kanilang kabuhayan.

Ang Sitio Pactil bilang isang halimbawa ay nagpapatunay na kabute bilang isang magandang pang-kabuhayan para sa ating mga magsasaka. 

PAANO NGA BA ITO?